Anti-Human Traffickinghomeeventspublicationscontact usAnti-Human Trafficking Strengthening the Enabling Environment to Improve Response to TIP and TIP Related Cases (STEER) Project Anti-Trafficking Hotline +63 2 433 9440
Anti-Human Trafficking/Illegal Recruitment
Resourcesinternational documentsphilippine documentsfrom the newsUsapang TIPTIP FAQs
 
Human trafficking ng mga kababaihan sa Cyprus lumalala PDF Print E-mail
Nov 25, 2008 at 08:00 AM

from People's Taliba

Nagsisimula nang lumawak ang flesh trade sa Cyprus kung saan mga kababaihang banyaga ang nagiging biktima ng sexual slavery, ayon sa ulat sa idinaos na pagpupulong ng nongovernmental groups sa Nicosia noong isang linggo.
    
Kamakailan lamang ay inalis na ng gobyero ng Mediterranean island ang “artistes’ visas” na siyang ginagamit sa human trafficking ng ilang mga sindikato, bagaman hindi agad mawawala ang problemang ito, ayon sa isang opisyal ng NGO.
    
“Cyprus is a destination country for victims of trafficking, especially for sexual exploitation,” ani Rita Superman, head ng anti-trafficking unit ng Cyprus police.
    
Naging panauhin si Superman sa pagpupulong ukol sa human trafficking na inorganisa noong isang linggo ng ilang concern na Cyprus nationals at international NGOs tulad ng Nicosia Anti-trafficking Movement, STOP-New York (Stop Trafficking Of People) at ang Swiss-based na ACEES.
    
“The countries of origin of the victims are traditionally countries of Eastern Europe, such as Moldova and Ukraine. The pattern though is changing lately, since a lot of victims come from developing countries such as the Philippines, Latin America, Morocco and Syria,” paliwanag pa ni Superman.
    
Ikinuwento din ni Superman kung paano ang isang babaing taga-Morocco na si Yasmine ay nabiktima ng sindikato.
    
Si Yasmine ay inakalang magkakapagtrabaho sa paglilinis ng bahay nang magtungo ito sa Cyprus, subalit ni-rape at pinilit na magtrabaho bilang prostitute sa isang cabaret.
    
May isang babae umano ang lumapit kay Yasmine at inalok ng trabaho para maglinis ng bahay sa Cyprus kapalit ng 20 euros kada araw na suweldo. Nang dumating sa Cyprus, isang lalaki ang nagpakilala na agent niya at sinabing may utang siyang 1,000 euros para sa kanyang travelling expen-ses.
    
Para umano makabayad ay sinabi ng lalaking magtrabaho na lang siya sa cabaret, makikipagkuwentuhan sa mga customer at sasama sa mga ito para makipag-sex. Labag man sa loob ni Yasmine ay napilitan siyang magtrabaho bilang prostitute para makabayad sa kanyang pagkakautang.
    
Si Mercedes naman, na hindi pinangalanan ang bansang pinagmulan, ayon sa kuwento ni Superman, ay dinala umano ng kanyang customer sa isang bahay kung saan 10 lalaki ang naghihintay saka isa-isang siyang ginahasa.
    
Halos 300 kababaihan na ang humingi ng saklolo sa refuge house na itinayo ni Michaelides Savvas, isang Cypriot Orthodox priest, mula ng magbukas ito noong 2004.
    
Ngayong taon lamang, ayon sa Cypriot police, nasa 54 kababaihan ang na-ging biktima ng sexual exploitation, 11 dito ay pinilit na pinagtatrabaho sa mga bahay-aliwan doon.
    
Tatlong sunod na taon nang kasama ang Cyprus sa listahan ng Estados Unidos sa mga bansang tamalak ang human trafficking ng mga kababaihan.
 
Taliba Wire Monitoring

 
 
 

 

     
  The US Department of State, G/TIP and Solidarity Center STEER Project
 
 
US Department of State, G/TIP
Made possible through funds provided by the US Department of State, G/TIP
to the Solidarity Center Philippine Office
American Center for International Labor Solidarity (Solidarity Center Philippines)
 
Copyright © 2007-2008. The US Department of State, G/TIP and Solidarity Center STEER Project. All Rights Reserved.