Anti-Human Traffickinghomeeventspublicationscontact usAnti-Human Trafficking Strengthening the Enabling Environment to Improve Response to TIP and TIP Related Cases (STEER) Project Anti-Trafficking Hotline +63 2 433 9440
Anti-Human Trafficking/Illegal Recruitment
Resourcesinternational documentsphilippine documentsfrom the newsUsapang TIPTIP FAQs
 
Anim na recruitment agency sinuspindi ng POEA PDF Print E-mail
Dec 18, 2007 at 10:13 PM

from People's Taliba

ANIM pang mga recruitment agency ang sinuspindi ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil sa contract substitution at pag-iisyu ng mga pekeng visit visas patungo sa mga bansa sa Gitnang Silangan.
   
Sa ulat mula sa Arab News, sinuspindi ng POEA ang 7 Blessings Development and Placement Center, Jobtrade International Manpower Services at Sameera Gulf Management Services dahil sa contract substitution ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sina Juvelyn Vegafria at Novie Bengua sa magkahiwalay na okas-yon.
   
Pinatawan din ng kagawaran ng preventive suspension ang Non-Stop Overseas Employment Corporation, M.R International Talent Management Service at Azizzah International Manpower Services, Inc. dahil naman sa pag-isyu ng pekeng visit visa at biniktima sina Marilou Po Mantua at Lynibeth Gaitan.
   
Nabatid kay Labor Attaché Virginia Calvez, hepe ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai na nag-apply sa 7 Blessings Development and Placement Center si Vegafria bilang waitress sa Ewan Hotel pero pagdating nito doon ay ginawa itong domestic helper.
   
Sinabi ni Vegafria na nag-aplay siya bilang domestic worker sa Jobtrade International Manpower Services pero ang 7 Blessings Development and Placement Center ang nagproseso ng kanyang papeles sa POEA.
   
Aniya, tumatanggap lamang siya ng suweldo na 650 dirhams kada buwan gayong sobra siya sa oras ng trabaho at minamaltrato pa. Hindi na umano niya matiis ang mga mahirap na ito kaya tumakas siya sa kanyang employer at nagtungo sa Philippine Center noong Septiembre.
   
Si Bengua naman ay humingi ng tulong kay Labor Attaché Leopoldo De Jesus, POLO chief sa Kuwait, at ito ang nag-endorso ng kaso niya POEA. Pinadala si Bengua sa Kuwait bilang typist na may suweldo na 100 Kuwaiti dinars pero pagdating niya doon ay ginawa siyang domestic helper.
   
Ang Non-Stop Overseas Employment Corporation naman ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 10 Director Petrona Bergado ay nagpadala ng OFW sa Kuwait na si Marilou Mantua at pinagamit ditto ang pekeng visit visa.
   
Isinumbong din ni Labor Attaché to Abu Dhabi Nasser Munder sa POEA na nagre-recruit ng mga DH ang M.R. International Talent Management Service at Azizzah International Manpower Services, Inc. sa pamamagitan ng pekeng visa.
   
Inihayag ni Gaitan na siya at tatlong iba pa ay pinadala sa Abu Dhabi pero pagdating nila sa airport ay sinabihan sila ng recruitment agency na ipakita ang kanilang pekeng employment visa sa mga awtoridad.
   
Simula noong Oktubre ay may 19 nang recruitment agency ang binawian ng lisensya ng POEA.

Last Updated ( Dec 17, 2007 at 10:19 PM )
 
 
 

 

     
  The US Department of State, G/TIP and Solidarity Center STEER Project
 
 
US Department of State, G/TIP
Made possible through funds provided by the US Department of State, G/TIP
to the Solidarity Center Philippine Office
American Center for International Labor Solidarity (Solidarity Center Philippines)
 
Copyright © 2007-2008. The US Department of State, G/TIP and Solidarity Center STEER Project. All Rights Reserved.