| Iwasan ang Illegal Recruitment |
|
|
|
| Jan 03, 2007 at 07:59 AM | |
|
A public service by: Philippine Overseas Employment Administration 1. Huwag mag-apply sa mga recruitment agencies na hindi lisensyado ng POEA. 2. Huwag makipag-ugnayan sa mga licensed agencies na WALANG job orders. 3. Huwag makipag-areglo sa mga HINDI authorized representatives ng licensed agencies. 4. Huwag makipag-transaksiyon sa LABAS ng registered address ng ahensiya. Kapag nasa probinsya, I-CHECK kung may Provincial Recruitment Authority ang ahensya o magtanong sa local Labor PESO (Public Employment Service Office). 5. Huwag magbayad ng labis para sa placement fee. Dapat katumbas ito ng ISANG BUWANG sahod. Hindi pa kasama ang bayad para sa documentation at processing. 6. Huwag mag-bayad ng placement fee kung wala pang VALID employment contract at OFFICIAL RECEIPT. 7. Huwag magpadala sa mga ad o brochure na naghihikayat magpadala ng sulat sa Post Office (P.O.) Box na may kasamang bayad para sa application form at sa pag-proseso ng papeles. 8. Huwag makipag-transaksiyon sa TRAINING CENTER o TRAVEL AGENCIES at FOUNDATIONS na nangangako ng mga trabaho abroad. 9. Huwag tumanggap ng TOURIST o VISITOR’s Visa. 10. Huwag makipag-areglo sa mga FIXERS. |







